GENERAL TRIAS MUNICIPAL HIGH SCHOOL

Class ' 74 - ' 75

Silver Anniversary

General Trias Sports Complex

General Trias, Cavite,Philippines

January 13, 2001

 

GANITO KAMI NOON

By: Virgil Saliba

Isang alaala. Balikan nating muli ang isang yugto at kabanata ng ating buhay.. Isang gunita na naguhit na sa ating buhay... ala ala ng masasayang araw ng ating kabataan. Samahan ninyo ako sa isang melancholia ng aking buhay. Ipagpalagay na naroon ako sa taas ng gusali ng ginibang High School kung saan naroon ang karatulang MATAAS NA PAARALAN NG HENERAL TRIAS, nagmamasid at nakaharap sa flagpole.

 

0650 AM Bago mag ring ang bell upang magflag ceremony na. Muli natin gunitain ang 4 na taon natin pagsasama, mga kamag aral at taong naging kaibigan at nagturingang magkakapatid, kamag-aral na naging asawa at kumare at kumpare, kamag aral na naging tagumpay at di tagumpay sa layunin, kamag aral na pumanaw at kamag aral na makikita nating muli sa pagkatapos ng 25 limang taon..

 

0700 AM Biglang nag ringgggg ang bell na ang tinig ay masakit sa tainga, na ang  ibig sabihin ay magsibaba na ang lahat ng studyante at time na para sa flag ceremony. Ang 1st yr ay binubuo ng Akle, Dao, Guijo, Ipil, Narra, Yakal at Molave. Ang 2nd yr naman ay Camia, Dahlia, Daisy,Rosal, Santan at Sinia. Ang 3rd yr ay Atis, Chico,Mango, Pinia, Ubas at ang 4th yr ay Gold, Jade, Opal, Pearl,Ruby at Topaz.

 

7:10AM:  "Bayang Magiliw,Perlas ng Silangan, Alab ng Puso, Sa dibdib mo'y Buhay...Lupang Hinirang, Duyan ka ng Magiliw.. ...Ang mamatay ng dahil sa iyo"... Habang kumukumpas si Mayvilyn Salvanera at sinasabayan ng pagawit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, nagtataas naman ng watawat sina Dorothy Ramos na nakauniforme ng puting pangitaas at gray chekered na palda at si Bernard Fernando ay nakasuot ng puting polo shirt at itim na pantaloon. Pagkatapos ng awit ay pumanhik si Dante Simpelo para sa Panunumpa sa watawat.. "Iniibig ko ang Pilipinas,Ito ang bayan kong sinilangan, Ito ang tahanan ng aking lahi, Akoy kanyang kinukupkop at tinutulungan upang maging malakas, maligaya at kapakipakinaban.....Sa isip sa salita at sa gawa" Sa likod ng flagpole ay matatagpuan ang bahay ni Dra. Saqui na may maliit na kainan o canteen, tumugtog ang malakas na Jukebox na malimit tugtugin ang "Kiss and Say Goodbye at Play the Funky Music" at kung ano anong sikat ng Commodores..

 

Sa kaliwa ang tindahan nina Milagros Nocon na kung saan sa pagdating ng 12 ng tanghali at tambayan din ng mga mag aaral at sa kanan naman ay matatanaw ang Primero Enterprises o ang PE na nasa ilalim ng malaking puno ng acacia katapat ng library. At sa kanan ay ang Bakery nina Oliver na kung doon nagtitinda ng mainit na pandesal at palaman na matamis na bao o peanut butter at sa dako pa roon ay ang tindahan ni Aling Lud Bennett kung gusto mo mg sago at halo-halo. Sa loob ng school quadrangle sa dakong kaliwa ay naroon ang waiting shade at ilang lockers na di naman ginagamit at sa dako pa roon ay ang Spanish Building na kung saan naroon ang mga nagtitinda ng mga kakanin, naroon si Boneng na sumisigaw ng  ice candy at ice buko, naroon ang mama sa ilalim ng pine tree na nag titinda ng bolabola, banana cue , camote cue, may bunutan ng lobo at mga laruan at kung ano ano pa. Isama na rin natin ang isang babaeng buntis na kalong kalong ang kanyang mga  anak at siya ay walang iba kundi si  "Yayang".


Sa labas ng High sa dakong kaliwa ay makikita ang Golden Cross Canteen nina Mr. Rezare at sa kalapit naman ay ang Simbahan at  paradahan ng tricycle sa ilalim ng punong acasia at tapat ng Plaza Canteen. Tatlong Araw na lang ay Departmental Test na, kaya ang mga teacher ay abala sa paglelecture sa loob ng kani kanilang mga assigned room.


Samahan ninyo akong magrounds sa bawat kwarto at maki usisa tayo kung anong mga topic ang tinuturo nila sa araw na ito.

0730 AM Muli tayong magbalik sa loob ng High School. Sa loob ng Home Economic Building kung saan naroon sina Miss Jesusan Sopinoso at si Miss Bella Loyola na kung saan ang mga girls ay gumagawa ng mga embroidery sa linens at punda ng unan, may mga ibat ibang design ng bulaklak at iba naman ay parrots at turkey ang kanilang ginagawang designs. Sa loob ng Practical Arts ay naroon si Mr. Brigido Zalmo na naglelecture  about Retails Merchandizing  sa 1st yr Boys Student at pagtapos ng lecture ay pupunta sa Concrete building para sa magdilig ng halaman at tanim na Lechugas at  Pechay... Natatandaan ko rin na patabang ginagamit namin noon ay dumi ng kalabaw. Makikita rin sa afternoon schedule  ay si Mr. Marcelino Deseo na nagtuturo sa paggawa ng mga handweaving ng mga upuan at silya, paggawa ng walis at bottle brushes na may ibat ibang kulay.


Ang GTMHS ay may tatlong hagdanan. ang hagdanan sa kaliwa.na kung saan naroon si Miss Flor Nazareno na teacher sa Math na nagchecheck ng attendance sa 2nd year Camia's Student. "Agasino, Armado, Astodillo, Atajar, Barrion, Batuhan, Bonifacio,Buclatin, Colada.. tandang tanda ko pa ang rhyming na iyan at bigla akong nagulat ng sabihin sa akin. "Saliba,Saliba,Saliba... eyes on the board Saliba" (Kasi madaldal ako, katabi ko si Rizalito Salinas sa upuan"
Sa kabilang room naman ay naroon si Miss Menchie R. Ting na teacher sa Pilipino II na nagbibigay ng assignments.Ang tinig niya ay nakakatakot na para bang galit.
Ganito yon ......"Ano ang pangnagalllllllllan, ibigay ang kahulllllllllugan at gamitin sa pangungusap at magbigay ng halimbawa".... Naroon din si Mrs. Lolit Porto sa kabilang silid na nagtuturo sa III yr. Student ng Noli Me Tangere sa unang kabanata na'' Ang Pagtitipon'' ....Sino sino ang mga tauhan sa Pagtitipon ? Anong ulam ang inihanda ni Kapitan Tiyago sa araw na iyon ? Sino si Pare Damaso, Pare Sibyla, at Maria Clara at Crisostomo Ibarra ?....Samantalang sa kalapit na kwarto ay naroon naman si Mrs. Aurora Aquino sa kanyang El Fibusterismo na nagtuturo na kung ano ang nangyari sa Bapor Tabo at kung nasaan si Simeon sa ikalawang kabanata ng El Filibusterismo.


Si Miss Bergado ay nagtuturo ng Algebra at ang sabi ay" negative 1 positive 2"..... "negative 2 positive 3"......Naroon din si Mr. Roberto Mirando na nagturo ng Literature sa IV year students at ang topic nila ay "By the Seaside,"A Road Not Taken" ni Robert Frost".....Samantalang sa RM 11 ay naroon naman si Mrs. Nelia Obong na nagtuturo sa Current events tungkol kay Golda Mier, Lee Kwan Yu at Anwar Sadat.
Sa Rm 13 ay naroon si Mrs. Ligaya Rillo na nagtuturo ng Physics about measurement LxWxH at mga Boyle at Newton Laws.....
Nakita ko na dumadating sina Miss Violy Trias, Miss Fely Valenzuela,  Miss Erlinda Garcia at Miss Rebecca Reynante"...   " Good Morning Mam's"

 

0830AM ... Samahan ninyo na maglibot sa Campus ng GTMHS.....Naroon sa Rm 12 katabi ng Clinic ang tropa nina Nilda Posas,Emie Pernala, Virgie Cideria, Delmie Cubol, Zenaida Descalso, Anacita Fortuno at Amelina Iruguin....Sa may bakuran malapit sa H.E. ay naroon ang ilang members ng Nineteeners at Baglee na sina Tessie Sangria, Esper Lozarez, Marina Mendrez, Dorothy Ramos at Concepcion Barrion,  kasama rin sa kwentuhan sina Crisanto Poblete, Rosalino Parin, Ramon Lubang, Paciano Colada, Romarico Noma, Ignacio Trias, Celso Clerigo, Benito Reynante, Gerardo Nocon, Enrile Afortunado, Angelito Leano, Bernardo Fernando, Manuel Nabata, Mario Parino at Armando Esguerra.  .... Sa gate ay nagbabantay si Eddie de Mesa kasama si Esmeraldo Moncera, Romeo Pilapil at Bayani Ricafrente na nag checheck ng mga ID ng studyante.   Samantalang naroon si Cynthia Granados na naniningil ng bayad sa uniforme sa CAT at habang si Marcelino Santiago ay nagsusulat sa board ng schedule for the following day.
Sa may canteen ni Aling Fely Olimpo ay naroon sina Menchie Broas kausap sina Lourdes Sison, Norma Porteria, Ma. Theresa Simpelo na naguusap kung ano ang gagawin pagkatapos ng Departmental Test.. sabi ni Anita Arcilla ay doon na lamang sa Pasong Kawayan I at siya na lang ang bahala sa Kilawing papaya at mag ambag ambag na lang sa sardinas.
Sa waiting shade ay naroon naman sina Isagani Legaspi, Roberto Poniente, Rolando Saliba, Benjamin Arsenal, Manuel Nabata at Petronilo Santiaguel.
Naroon din sina Victoria Villanueva, Joycelyn Tabelina, Margie Armado, Olivia Roque, Josefina Sidocon at Normita Leuterio.


10:00AM Nagring na naman ang bell at oras na para mag CAT. Pusa itim ang design sa kamisetang puti at patig na berde ang pantalon. Habang naghihintay ng formation ay matatagpuan natin ang mga grupo ng barkada.
Sa ilalim ng punong pinetree sa kaliwang side ng stage ay naroon sina Arthur Espedido, Ernesto Portuguez,J osefino Luseco,  Antonio Tapawan, Raymundo Porto at Apolinario delos Reyes
Sa may hagdanan ay naroon sina Prescila Sipat, Socorro Dakis,  Josefina Susana at Prescila Ramos.
Sa ilalim ng basketball court ay naroon naman ang tropa nina Isagani Leuterio, Rolando Ortiz, Maximo Lumagui, Samson Armado at Angeles Dulce.
Sa may flagpole ay naroon at nakaupo at nagkukwentuhan sina Irma Ignaco, Elisa Portales, Sylvia Colocado at Felisa Brosas.
Sa may simbahan ay naroon sina Marvin Medina,  Arminio Grepo,  Marcial Batuhan,  Noel Atajar na nakikipagkwentuhan din kina Rosalinda Closas at Caroliza Brosas.
Biglang sumigaw si Marte Guevarra ng formation kasama sina Ramon Lubang, Flordaliza Rios at Esperanza Lozarez...

Ang unang Platoon ay ang pinamumunuan ni Nelia Angkiko kung nasaan ang ang mataas na mga babae na sina Maria Theresa Simpelo, Gertrudes Tapawan, Myra Sangalang, Susan Columna, Guillerma , Dominga Collantes, Priscila Praganan,Guillerma Muralla, Luzviminda Rojaz, Teresita Colos, Francisca de Asis, Cynthia Faustino, Olivia Roque at Juvita Lujero.

At sa platoon ni Mayvilyn Salvanera at Connie Barrion ay ang mga cute na  sina Sylvia Colocado, Irma Ignaco,Lorinda Cabrera, Elisa Portades, Edna Buan,Teodora Lucay, Beatriz Barbuco, Nora Almeria, Lourdes Sison, Lilia Porto, Josefina Sidocon, Nenita Pabalan, Rosalinda Bayas, Eduvijes Cubol at Nerrisa Moya, Zenaida Rivera  at isama na rin natin si Irene Barcena at Evangelina Culapan.

 

Balikan natin at muling gunitain kung sino sino ang sikat o mga tanyag sa GTMHS Batch of 75....(based on GTMHS 75 Annual Programme)
Dante Simpelo ang "Pinakamarunong ng Taon",

Si Arthur Espedido ang " Mananalumpati ng Taon".

Si Noel Atajar ang "Mambibigkas ng Taon"

"Abogado ng Taon" si Marcial Batuhan

"Mutya ng Paaralan" si Dorothy Ramos

Bb. "Daily Mirror" si Virginia Cideria

Si Prescilla Ramos ang may malamakopang pisngi
Anacita Fortuno ang may mapupulang Labi

Dolphy at Panchito sina Celso Bonifacio at Paciano Colada
Mahiyain ng Taon naman si Marissa Broas
Tahimik ng Taon si Belarmino Barrion
Maamong Samson si Samson Armado
Manunulat ng Taon si Prescila Sipat

At may ipinanganak na kakambal na bola si Ramon Lubang
Bb. Pilipinas si Emelina Pernala
Adonis naman si Bernardo Fernando
Myra Sangalang ang may pang "Miss Universe" na tangkad
Kaakit akit na Duwende si Irma Ignaco
Mapupungay na mata naman si Flordeliza Rios
Matangos na ilong si Luis delos Santos
Gandang Haponesa si Evangelina Culapan
Magandang Matutina si Cynthia Granados
Florante at Laura sina Crisanto Poblete at Mayvilyn Salvanera
Mr. Victor wood naman si Nestor Candela
Matiyaga ng Taon si Hermuel Simpelo
Ala Tommy Abuel naman si Emmanuel Paguio
Guidaben naman si Ederlina Cubol
Pinakamahinhin ng Taon si Edna Manalang
Magalang ng Taon si Socorro Dakis
Ilag sa mga anak ni Eba sina Isagani Leuterio at Angeles Dulce
Ala Grace Kelly na si Cynthia Villanueva
May pinakamagandang ngiti naman si Zenaida Descalso

Makata ng Taon ay sina Antonio Tadio at Socorro Dakis

May ginintuang pag awit sa musika ay sina Nelia Angkico,Mayvilyn Salvanera at Consolacion Presa

Matulungin ng Taon sina Arminio Grepo, Romy Grepo,Isagani Jocson, Edna Manalang, Esmeraldo Moncera at Virgilio Reynante

Artists of Batch 75 ay sina Erano Saquilayan at Gerardo Nocon

May angkin talino sa pagtugtog ng gitara  taon sina Marvin Medina, Nelia Angkico, Noel Atajar at Romeo Grepo

Dancers of the year ay sina Connie Barrion, Espher Lozares at Tessie Sangria

Mala Venus na kagandahan ay sina Dorothy Ramos, Rosalinda Bayas at Emelina Pernala

May kakayahan sa pagpapatawa ay sina  Romarico Noma, Emma Sangria at Jaime Rios

Ang Mala Adonis na kakisigan ay sina Bernard Fernando,Diomedes Casor at Emmanuel Paguio

Maalalahanin naman sina Felina Potante,Cynthia Granados at Josefina Susana

Magalangin naman sina Ernesto Portuguez, Josefino Luseco, Celso Bonifacio at Angeles Dulce

Masipag naman sina Antonio Tadio, Armando Esguerra at Dorotea Nocon

Sa pagbasa ninyo ng mga isinulat ko isang alaalang maaring Ikaw ay mapatawa o mapaiyak. Sa ating nalalapit na  pagsasama muli nating  gunitain ang nakalipas at dugtungan ng isang bagong kabanata ng "Ganito Kami Noon at Ganito Kami Ngayon".

See you all sa ating 40th Anniversary Class Reunion.

Virgil Saliba

GTMHS Class of 75